Ano ang Medi Cal
Ang Medi Cal ay isang programa ng pampublikong seguro sa kalusugan na nag aalok ng mga karapat dapat na indibidwal at pamilya ng access sa libre o mababang gastos na pangangalagang pangkalusugan at dental coverage.
Kung hindi ka karapat dapat para sa Medi-Cal, maaari ka naming suriin para sa iba pang mga programa sa saklaw ng kalusugan.
Mga Anunsyo
Mag-ingat sa mga scam kaugnay ng Medi-Cal: Hindi kailanman manghihingi ang Medi-Cal at SFHSA ng bayad para sa iyong pag-apply o pag-renew sa Medi-Cal. Kung hihingan ka ng bayad o kung may iba ka pang dahilan para maghinalang may nangyayaring panloloko, tumawag sa Hotline para sa Panloloko ng Medi-Cal (800) 822-6222.
Simula sa Enero 1, 2023:
Mga pagbabago sa pag-access ng mga serbisyo ng Medi-Cal
Kakailanganin ng karamihan ng mga benepisyaryo ng Medi-Cal na i-access ang mga serbisyo ng Medi-Cal sa pamamagitan ng plano ng Pinapamahalaang Pangangalaga. Matuto pa. Mga residente ng Pangmatagalang Pangangalaga (Long Term Care, LTC), mag-click dito.
Makukuha na ngayon ng mga miyembro ng Medi-Cal ang kanilang mga reseta sa Costco: Hindi kailangan ng membership sa Costco para magamit ang mga serbisyo ng parmasya nito.
Patuloy na sasaklawin ng Medi-Cal ang mga serbisyo sa pagpapalaglag
Kung mayroon kang Medi-Cal, puwede ka pa ring pumunta sa sinumang provider para sa mga serbisyo sa pagpapalaglag anumang oras, at para sa anumang dahilan.
Nagbago ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa nakalipas na 2 taon?
Para mapanatili ang iyong Medi-Cal, i-update kami sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 558-4700 o mag-email sa SFMedi-Cal@sfgov.org.
Tatasaan ng Medi-Cal ang mga limitasyon sa asset simula sa Hulyo 2022
Ang mga limitasyon sa asset ng Medi-Cal para sa mga taong may edad na 65+ o may kapansanan ay $130,000 para sa isang tao at $65,000 para sa bawat karagdagang miyembro ng pamilya. Tingnan ang mga detalye o tawagan kami sa (415) 558-4700 para sa higit pang impormasyon.
LIBRENG pagsusuri, paggamot, at pagpapayo para sa COVID-19
Walang insurance o may Medi-Cal pero walang regular na doktor? Makipag-ugnayan sa libreng Linya ng Medi-Nurse ng Medi-Cal tungkol sa mga sintomas kaugnay ng COVID-19 at mga referral para sa libreng pagsusuri at paggamot, anuman ang iyong kita at status sa immigration.
Mga libre at may diskwentong serbisyo
Kung nakakatanggap ka ng CalFresh o iba pang pampublikong benepisyo, kwalipikado ka para sa maraming libre o may diskwentong admission sa mga museo, utility, transportasyon, panlibangang pasilidad para sa mga bata, grocery, inihandang pagkain, at legal na serbisyo. Tingnan ang mga diskwento
Makipag ugnay sa Medi Cal
-
Tumawag o mag email sa amin
-
Bisitahin ang isang Service Center