Ikinagagalak ng San Francisco Human Services Agency (SFHSA) na ianunsyo ang unang pagpupulong ng Food Security Council. Noong Hulyo 2026, inutusan ni Mayor Daniel Lurie ang SFHSA na bumuo ng Food Security Council upang magbigay ng payo sa Tanggapan ng Alkalde at mga departamento ng Lungsod tungkol sa estratehiya, polisiya, at pagpapatupad ng programa sa seguridad sa pagkain. Tutulungan ng Konseho ang Lungsod na mag-navigate sa nagbabagong kalagayan ng seguridad sa pagkain upang isulong ang aming mga layunin na matiyak na lahat ng taga-San Francisco ay may pantay na access sa abot-kaya at masustansyang pagkain na tumutugon sa kanilang natatanging pangangailangan.
Bukás ang pulong na ito sa publiko at gaganapin nang personal sa 170 Otis St sa Born Auditorium sa Biyernes, Nobyembre 13, 2026, mula 10AM hanggang12PM. Maghahain ng tanghalian. Ang unang pagpupulong na ito ay tutulong magtakda ng pundasyon ng Konseho at magbibigay-kaalaman sa mga susunod na pagpupulong.
Mangyaring mag-RSVP sa pamamagitan ng link na ito kung balak mong dumalo: https://forms.cloud.microsoft/g/fRnJRWkUWA
Hindi required ang RSVP pero nakakatulong ito sa amin sa logistics!
Habang papalapit ang petsa ng pagpupulong, isang agenda ang ipo-post sa aming website, kung saan magbabahagi rin kami ng impormasyon tungkol sa mga susunod na pagpupulong: https://www.sfhsa.org/food-security-council
Para sa mga katanungan, mangyaring mag-email sa amin sa HSAFoodSecurity@SFGov.org