Ano ang CAAP?
Ang CAAP ay nagbibigay ng mga tulong na pera at mga serbisyo para sa trabaho sa mga taga-San Francisco na mababa ang kita na walang umaasang anak, kabilang ang mga hindi makapagtrabaho, imigrante, at refugee.
Ang CAAP ay nag-iisyu ng mga buwanang benepisyo sa isang Electronic Benefit Transfer (EBT) card na ginagamit mo na parang card ng bangko para sa mga pagbili sa mga tindahan ng retail o sa mga ATM para mag-withdraw ng cash.
Ang iyong pagiging kwalipikado para sa CAAP ay nakabatay sa paninirahan, kita, at mga gastos. Posibleng kwalipikado kang makatanggap ng mga benepisyo sa CAAP habang nagtatrabaho o dumadalo sa mga bokasyonal na pagsasanay o klase para sa GED, ESL, o diploma sa mataas na paaralan.
Mga Anunsyo
🚨 Bagong babala para sa EBT cardholders
Ang Apple App Store ay nagbebenta ng isang app na tinatawag na "Ebt edge - food stamps" na nagkakahalaga ng $ 4.99 / linggo o $ 60 para sa panghabang buhay na pag-access. Huwag kailanman magbayad upang ma-access ang iyong mga benepisyo sa EBT. Gamitin lamang ang opisyal na app: FIS ebtEDGE - libre ito at suportado ng estado ng California.
Inisyastiba sa Landas Tungo sa Paggamot
Simula sa Enero 1, 2025, ang mga kliyente ng CAAP na may disorder sa paggamit ng droga at pag-inom ng alak na gustong makatanggap ng tulong na pera na pinopondohan ng county ay nakatala dapat sa paggamot at mga serbisyo.Tingnan ang mga detalye: Ingles | Español | 中文 | Filipino | Tiếng Việt | Русский