SFMNP Appointment Information​​ 

Eligibility Requirements:​​ 

Dapat matugunan ng mga indibidwal ang mga requirement na ito sa pagiging kwalipikado:​​  

  1. Residente ng San Francisco, at​​ 
  2. 60 taong gulang man lang o mas matanda, at​​ 
  3. May buwanang kita na nasa o mas mababa sa 185% ng pederal na antas ng kahirapan ($2,461 kada buwan para sa sambahayan na may 1; o $3,337 kada buwan para sa sambahayan na may 2).​​ 
  4. Hindi pa nakakatanggap ng card para sa Senior Farmers Market Nutrition Program sa 2026.​​ 

Mahahalagang panuntunan ng Programa:​​ 

  1. Ang pamamahagi ng mga SFMNP card ay SA PAMAMAGITAN NG APPOINTMENT LANG, at ang mga benepisyo ay iniisyu lang sa mga indibidwal na may appointment.​​  

    Tatanggihan ang mga walang appointment.​​ 

  2. Mag-book ng ISANG APPOINTMENT lang kada kwalipikadong indibidwal. KAKANSELAHIN ang mga duplicate na appointment para sa parehong tao.​​ 
  3. Magdala ng valid na photo ID sa iyong appointment para ma-verify ang pagiging kwalipikado.​​ 
  4. Huwag dumating nang higit sa 15 minuto na maaga para sa iyong appointment.​​ 
  5. Pakitandaan na ang appointment ay maaaring tumagal nang hanggang 60 minuto​​ 

Mga Tagubilin para sa Paggawa ng Appointment:​​ 

  1. Kumpirmahin na natutugunan mo ang mga requirement sa pagiging kwalipikado bago mag-book ng appointment.​​ 
  2. Sa website para sa pag-book ng appointment, sa ilalim ng mag-select ng serbisyo – Piliin ang petsa at pick up site para sa iyong appointment.​​ 
  3. Piliin ang oras para sa iyong appointment. Ang mga available na petsa at oras lang ang ipapakita para sa site na na-select mo.​​ 
  4. Idagdag ang iyong mga detalye – Dapat mong kumpletuhin ang lahat ng required na impormasyon. Kumpirmahin na ang iyong pangalan ay tumutugma sa photo ID mo. Required ang isang email address.​​ 
  5. Piliin ang “Mag-book”​​ 
  6. Pagkatapos mong i-book ang iyong appointment, makakatanggap ka ng kumpirmasyon sa email para sa iyong appointment na maglalaman ng petsa, oras, lokasyon, at mga tagubilin.​​ 

Appointments and confirmation emails are non‑transferable. All participants are required to register annually.​​  

Please note appointments are currently full.​​ 

We will release the next appointments on Wednesday, July 22. Please check back on this date.​​ 

 

Nahanap mo ba ang hinahanap mo?​​