CalWORKs Families Rising (FaR)
Ang Families Rising ay ang Programa sa Pagbisita sa Bahay ng CalWORKs na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga sambahayang may miyembrong buntis o mga anak na wala pang dalawang taong gulang.
Ang mga pagbisita sa bahay ay maaaring maganap sa iyong tahanan, sa isang lokasyon sa iyong komunidad, o sa ibang lokasyon na iyong pinili. Maaari pa itong mangyari nang virtual. Ang mga pagbisita ay sumasaklaw sa pakikipag-ugnayan ng magulang at anak, pag-unlad ng bata, at pangkalahatang kagalingan ng pamilya.
Kabilang sa mga serbisyo ng FaR:
- Suporta sa pagbubuntis o post-partum
- Maagang Pangangalaga ng bata at edukasyon upang ihanda ang iyong anak sa paaralan
- Mga screening sa kalusugan ng bata para matiyak na nakakatugon ang bata sa kanyang mga milestone sa development
- Kasama sa mga referral para sa mga serbisyo ang pabahay, karahasan tahanan, at pag-abuso sa substance
- Mental health support sa mga magulang na dumarans ng stress
- Mga voluntary na parent support group na may iba pang mga program participant
Makibahagi sa FaR
Para mag-apply o para sa iba pang impormasyon, kontakin ang FamiliesRising@sfgov.org o tumawag sa CalWORKs sa (415) 557-5100.