Ang aming Kuwento SFHSA Misyon, Pangitain, at Mga Halaga
Pangitain
Isang San Francisco kung saan ang bawat isa ay may pagkakataon at suporta upang makamit ang kanilang buong potensyal sa lahat ng yugto ng buhay.
Misyon
Sa Human Services Agency, nakatuon kami sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo na nagbibigay suporta at nagpoprotekta sa mga tao, pamilya, at komunidad. Nakikipagsosyo kami sa mga organisasyon ng kapitbahayan at nagtataguyod ng mga pampublikong patakaran upang mapabuti ang kagalingan at pang-ekonomiyang pagkakataon para sa lahat ng mga taga-San Francisco.
Mga Halaga
- Magtrabaho nang May Layunin: Nakikita namin ang bawat araw bilang isang pagkakataon upang makapagbigay ng mga de-kalidad na serbisyo na magpapalakas sa aming mga komunidad, tutulong sa mga nangangailangan, at magpoprotekta sa mga tao mula sa pang-aabuso at kapabayaan. Ang pagtrato sa mga tao nang may dignidad, empatiya, at paggalang ay mahalaga sa kung paano tayo nagtatrabaho.
- Dedikasyon sa Pagtuklas sa Kung Ano ang Epektibo: Ginagamit namin ang makabagong pag-iisip at pagkilos upang makatulong na baguhin ang buhay ng mga tao. Sinusubukan namin ang mga bagong ideya, sinusuri kung paano namin ginagawa ang mga ito, at sinusukat kung ano ang epektibo upang mapabuti ang aming mga serbisyo.
- Mga Patakaran para sa Kabutihan: Lumilikha at nagtataguyod kami para sa mga pampublikong patakaran na sumasalamin sa mga karanasan at kalakasan ng mga taong aming pinaglilingkuran. Pinalalawak nito ang aming impluwensya upang magbigay-inspirasyon ng pangmatagalan at nagbibigay-kapangyarihang pagbabago para sa San Francisco at sa iba pang lugar.
- Pagsulong ng Pagkakaiba-iba at Pagkakapantay-pantay ng Lahi/Racial Equity: Nakatuon kami sa isang kultura ng pagsasama kung saan ipinagdiriwang ang aming mga pagkakaiba. Dapat taglayin ng bawat isa ang kailangan nila upang umunlad -- anuman ang kanilang lahi, edad, kakayahan, kasarian, oryentasyong sekswal, etnisidad, o bansang pinagmulan. Nakatuon kami sa paglaban sa sistematikong rasismo at pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng lahi/racial equity sa lahat ng aspeto ng aming trabaho.
- Lakas sa Pakikipagtulungan: Nakatuon kami sa pakikipagtulungan bilang isang ahensya at sa mga organisasyong tumutulong sa pagpapalawak ng aming misyon at pagpapalalim ng aming mga koneksyon sa komunidad. Sa pamamagitan ng kolaborasyon, bukas na komunikasyon, at maalalahaning pagpapalitan ng mga ideya, tinutulungan natin ang mga taga-San Francisco na makamit ang mas malaking potensyal.
- Kumilos nang may Integridad: Nagtatayo kami ng pundasyon ng tiwala sa publiko at sa mga taong pinaglilingkuran namin sa pamamagitan ng pagtataguyod ng matibay na pamantayan sa etika at paggalang sa pagiging kompidensiyal.