IHSS Provider Maging IHSS Provider
Paano maging Provider
-
1
Kumpletuhin ang online na pagpapatala
- Gumawa ng account at isulat ang iyong username, password, at mga sagot sa mga panseguridad na tanong. Ang lahat ng tatlong item ay case-sensitive at dapat na muling ilagay para mapanood ang mga video.
- Panoorin ang mga mandatoryong video.
- Form SOC 426 at form SOC 846 na nilagdaan sa electronic na paraan.
- Mag-iskedyul ng appointment sa Orientation.
Ibinibigay ang mga orientation sa English, Spanish, Chinese, at Russian. Para sa tulong sa pagpapaiskedyul ng appointment o pagpapatala, tumawag sa (415) 557-6200.
Isa ka bang dating IHSS Provider? Tumawag sa (415) 557-6200 o mag-email sa ihsspaymentunits@sfgov.org upang malaman kung aktibo pa rin ang katayuan ng iyong Provider.
-
2
Dumalo sa 2 oras na panggrupong Orientation sa San Francisco
Dumating nang 15 minuto nang maaga para sa iyong appointment sa Orientation sa 77 Otis Street kasama ang :
- Valid na ID na may larawan na ibinigay ng pamahalaan ng estado o ng U.S.
- Orihinal na Social Security card
- Isang Awtorisasyon sa Trabaho (kinakailangan lang kung may nakasaad sa iyong Social Security card na "Valid lang para sa trabaho na may awtorisasyon ng DHS o INS")
- Nakumpletong Packet ng IHSS Provider (kasama ang SOC 426A). Kumpletuhin ang packet kasama ang iyong Tatanggap ng IHSS, kung kilala mo ang Tatanggap: Tagalog | Español | 中文 | русский | Filipino | Tiếng Việt
-
3
Sumailalim sa background check
Gamitin ang form ng Live Scan na natanggap mo sa Orientation para magpa-appointment para sa pagkuha ng fingerprint sa Pampublikong Awtoridad ng IHSS sa San Francisco.
Magtabi ng kopya ng form ng Live Scan bilang patunay ng pagkumpleto.