Maging IHSS Recipient

Mga Hakbang para Mag-apply

  1. 1

    Tugunan ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado

    • Nakatira sa bahay o sa isang shelter, pero hindi sa isang board and care na pasilidad, nursing home, o ospital.
    • Tumatanggap ng Medi-Cal o maging kwalipikado para sa Medi-Cal.
    • Magbigay ng sertipikasyon ng pangangalagang pangkalusugan na Form SOC 873, na nakumpleto ng isang lisensyadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, na nagpapakita ng iyong pangangailangan para sa mga serbisyo. TANDAAN: Ang nakumpletong Form SOC 873 ay kailangang maibalik sa loob ng 45 araw mula sa iyong aplikasyon.
  2. 2

    Mag-apply sa isa sa mga sumusunod na paraan:

    Ang mga referral ay dapat isumite ng mga provider ng komunidad o discharge planner online sa SFGetCare.org.

  3. 3

    Maging Kwalipikado para sa Medi-Cal

    Kung wala ka pang Medi-Cal o SSI, may IHSS Eligibility Worker na makikipag-ugnayan sa iyo para mag-iskedyul ng panayam at masuri ang impormasyon ng kita mo. 

  4. 4

    Sumailalim sa pagtatasa na isasagawa ng Social Worker

    • Kapag nakakuha ka na ng Medi-Cal, may IHSS Social Worker na itatakda sa iyo na gagawa ng appointment para sa pagbisita sa tahanan.
    • Pagkatapos ng pagtatasa, makakatanggap ka ng abiso ng pagkilos na magpapaliwanag kung inaprubahan o tinanggihan kang makatanggap ng mga serbisyo. 
    • Kung hindi ka sumasang-ayon sa pagtatasa, may karapatan kang iapela ang desisyon sa isang pagdinig ng estado. 
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?