Paparating Na ang mga Pagbabago sa mga Benepisyong Pampubliko​​ 

Ang mga bagong panuntunan ng estado at pederal ay nakakaapekto sa mga recipient ng mga benepisyong pampubliko​​ 

Para mapanatili ang inyong CalFresh o Medi-Cal:​​ 

  • Maghanap ng mga opisyal na abiso sa pag-renew ng SFHSA at sundin ang mga tagubilin.​​  
  • Panatilihing napapanahon ang inyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, manatiling may alam, at buksan kaagad ang mga sulat.​​  
  • Kumpletuhin ang mga kinakailangang hakbang at isumite ang anumang hinihiling na dokumento.​​ 

Para sa mga update: Mangyaring suriin nang madalas ang webpage na ito para sa higit pang mga detalye mula sa estado kung paano at kailan magaganap ang mga pagbabagong ito.​​ 

Hinihikayat namin ang lahat na mag-apply ngayon para sa mga benepisyong kailangan nila sa pamamagitan ng pagbisita sa aming mga webpage ng Medi-Cal at CalFresh (mga food stamp) o pagtawag sa (415) 557-5000. ​​ 

Bisitahin ang page na Aming Mga Serbisyo para mag-apply sa iba pang benepisyo.​​  

Simula Enero 1, 2027​​  

  • Mga bagong panuntunan sa trabaho/paaralan/ serbisyo sa komunidad:​​ Kakailanganin ng adult na may edad na 19-64 na hindi nakakatugon sa exemption, na magtrabaho, pumasok sa paaralan, o magsagawa ng serbisyo sa komunidad para mapanatili ang kanilang Medi-Cal. Kabilang sa ilang exemption ang pag-aalaga ng bata na may edad na 13 o mas bata, pagkakaroon ng malubhang kondisyong medikal, at pagbubuntis.​​   
  • Mas maikli na ang panahon ng tulong na makukuha ng mga aplikante para sa pagbabayad ng mga dating bayarin nila sa medical: Isang buwan na lang ang babayaran ng Medi-Cal sa mga nakaraang bayarin para sa mga adultong edad 19-64 na walang mga anak na edad 18 o mas bata pa. Hanggang dalawang buwan naman ng mga nakaraang bayarin ang babayaran ng Medi-Cal para sa lahat ng iba pa.​​  
  • Mga pagbabago sa kung paano binabayaran ang pangangalaga: Kakailanganin na ngayon ng ilang recipient na pumili ng sarili nilang doktor o ospital na tumatanggap ng Fee-for-Service Medi-Cal; hindi na magtatalaga ang isang health plan. Hindi ito nangangahulugang magbabayad ang mga recipient, Medi-Cal pa rin ang magbabayad para sa kanilang pangangalaga. Nalalapat ang pagbabagong ito sa mga taong walang dokumento, ilang green card holder, at mga taong itinuturing na Permanently Residing in the U.S. Under Color of Law (PRUCOL).​​  

Simula Marso 1, 2027​​  

  • Required na i-renew tuwing anim na buwan para sa karamihan ng mga adult: Karamihan sa mga adult na edad 19-64 at walang kapansanan o mga anak na 18 o mas bata pa ay kailangang mag-renew ng kanilang Medi-Cal nang dalawang beses sa isang taon sa halip na isang beses.​​ 

Simula Hulyo 1, 2027 ​​  

  • Buwanang premium na required para sa ilang non-citizen: Magsisimulang magbayad ng buwanang premium na $30 bawat tao sa Medi-Cal case ang ilang recipient na non-citizen na may edad na 19–59. Nalalapat ito sa mga Lawful Permanent Resident (LPR) na saklaw ng 5 taong panahon ng paghihintay, sa mga indibidwal na hindi dokumentado, sa mga may temporary immigration status, at sa iba pa.​​  
  • Pagtatapos ng mga benepisyo sa ngipin para sa ilang adult na non-citizen: Ang mga recipient ng full coverage ng Medi-Cal na edad 19 at pataas na LPR at napapailalim sa 5 taong panahon ng paghihintay, hindi dokumentado, nagke-claim ng PRUCOL, may temporary immigration status, at iba pa ay mawawalan ng mga benepisyo sa ngipin. ​​  
  • Limitadong Pagiging Kwalipikado sa Imigrante: Nagtatapos ang pederal na pondo para sa mga taong walang katayuan bilang Lawful Permanent Resident (LPR, o green card). Kabilang sa mga apektadong grupo ang mga refugee, asylees, mga biktima ng human trafficking, at iba pang mga di-mamamayan na dati nang karapat-dapat. Ang mga imigranteng ito ay lilipat sa Restricted Medi-Cal sa Hulyo 2027.​​ 
  • Pagbabalik ng mga limit sa asset: $21,000 para sa mga indibidwal;​ $31,000 para sa mga magkapareha​; $1,500 para sa bawat karagdagang miyembro ng sambahayan.​​ 

Mag-apply para sa full Medi-Cal para makuha ang healthcare na kailangan mo sa isa sa mga paraang ito:​​  

Para sa iba pang impormasyon ​​  

Tingnan ang mga update ng estado sa ​​ lahat ng paparating na pagbabago sa Medi-Cal​​  at mga exemption.​​  

Simula sa Hunyo 1, 2026​​ 

  • Mga panuntunan sa trabaho/paaralan/ serbisyo sa komunidad:​​  Ang karamihan sa mga adult na nasa edad 18-64 na walang kasamang bata na wala pang 14 na taong gulang sa kanilang tirahan, na may kakayahang magtrabaho, at hindi nakakatugon sa anumang criteria sa exemption ay ire-require na magtrabaho, magboluntaryo, o magsagawa ng serbisyo sa komunidad, training sa employment, o lumahok sa Workfare na inayos ng SFHSA.​​  

    Ang mga taong hindi exempted at hindi nakakaabot sa mga requirement ay mawawalan ng mga benepisyo pagkaraan ng tatlong buwan sa loob ng isang yugto na tatlong taon. ​​  

    Alamin pa rito​​ .​​  

Simula sa Abril 1, 2026​​  

  • Mga pagbabago sa pagiging kwalipikado batay sa immigration status:​​  Ang mga taong may ilang partikular na immigration status ay hindi na maka-qualify para sa mga benepisyo ng CalFresh. Kasama sa mga apektadong grupo ang mga refugee, asylee, humanitarian parolee, human trafficking survivor, at mga survivor ng karahasan sa tahanan.​​   

  Ang pagiging kwalipikado ay ili-limit sa:​​  

  • Mga mamamayan ng Estados Unidos​​ 
  • Mga Noncitizen U.S. National​​ 
  • Mga Lawful Permanent Resident​​ 
  • Mga Cuban o Haitian entrant​​ 
  • Mga indibidwal na naninirahan sa U.S. nang alinsunod sa kasunduan ng Compact of Free Association.​​  

Sineseryoso ng SFHSA ang iyong privacy. Ginagamit lamang namin ang personal na impormasyon ng kliyente upang matukoy ang kanilang pagiging kwalipikado para sa mga benepisyo.​​  

Ayon sa batas, ang aming ahensya ay kinakailangang magbahagi ng impormasyon sa Estado ng California, na kinakailangan namang magbahagi ng demograpikong impormasyon sa pederal na Centers for Medicare & Medicaid Services.​​ 

Dapat ding malaman ng mga kliyente na ang pag-alis sa pagkaka-enroll sa mga benepisyo ay hindi aalisin nang maaga ang kanilang personal na impormasyon mula sa database na pinapatakbo ng estado.​​ 

Nahanap mo ba ang hinahanap mo?​​