Mag-apply para sa CalFresh

Mga hakbang para makakuha ng CalFresh

  1. 1

    Mga paraan ng pag-apply

     

  2. 2

    Mga kinakailangan sa application

    Ang tatlong minimum na kinakailangan para masimulan mo ang iyong application sa CalFresh ay kinabibilangan ng: 

    • Pangalan ng aplikante
    • Address ng sambahayan (maliban kung ang aplikante ay walang tirahan)
    • Lagda ng isang miyembro ng sambahayan na nasa hustong gulang

    Bilang bahagi ng proseso sa application, hihilingin din sa iyong isama ang: 

    • Sinumang bumibili at naghahanda ng mga pagkain nang magkasama
    • Lahat ng naninirahan sa address, gaya ng mga batang wala pang 22 taong gulang, asawa, at magulang

    Tingnan ang aming page na Tingnan ang Iyong Pagiging Kwalipikado para sa higit pang impormasyon, kasama ang mga kinakailangan sa kita. 
    Tingnan ang mga uri ng pagberipika para sa kumpletong listahan ng mga kinakailangang dokumento na maaaring hingin sa iyo.
    Tandaan: Posibleng maantala ang proseso ng aplikasyon kapag hindi kumpleto ang isinumiteng aplikasyon.

  3. 3

    Pagkatapos mong mag-apply

    • Magpa-interview.
      Puwedeng sa telepono o personal ang interview.
    • Makatanggap ng pag-apruba o pagtanggi ng iyong application sa loob ng 30 araw sa pamamagitan ng mail.
      • Kailangan ng agarang tulong sa pagkain pagkatapos isumite ang iyong application? 
        Tumawag sa (415) 558-4700 para humiling ng Mga Pinabilis na Serbisyo sa loob ng tatlong araw kung kinukulang ka sa kita, mga resource, o napakalaki ng mga gastusin mo sa pabahay.   
    • Matatanggap ang iyong EBT card sa pamamagitan ng koreo sa loob ng isang linggo sa oras na maaprubahan.
      Maaaring makita ang PIN ng iyong card sa isang hiwalay na sobre. Ang pick-up ng card ay available para sa mga walang access sa stable na mail o telepono.
    • Hindi sang-ayon sa isang pagpapasya o halaga ng benepisyo? Makipag-ugnayan sa amin. 
      Puwede kang magsumite ng apela sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 952-5253, o sa pamamagitan ng mail sa Appeals Unit, P.O. Box 7988, San Francisco CA 94120.

CalFresh Service Locations

Visit our Service Centers for help with your CalFresh benefits. 

DNahanap mo ba ang hinahanap mo?