Libreng Tulong sa Buwis Credit sa Mga Nagtatrabahong Pamilya (Working Families Credit, WFC)
Natapos na ang Programang Credit sa Mga Nagtatrabahong Pamilya ng SFHSA.
Nananatili ang dedikasyon ng SFHSA na suportahan ang ating komunidad at tiyaking may access ang lahat ng kwalipikadong residente sa mga pansuportang serbisyo sa paghahanda ng buwis. Ang mga libreng serbisyong ito ng eksperto sa paghahanda ng buwis sa mga residente ng San Francisco (SF) na may mababang kita ay makakatulong sa mga kwalipikadong kliyente na mag-claim ng mahahalagang tax credit, pati ng Tax Credit sa Kinita sa California (CalEITC) at Tax Credit para sa May Anak.
Para malaman kung saan ka makaka-access ng mga libreng serbisyo sa buwis, bisitahin ang aming webpage na Mga Libreng Serbisyo sa Buwis.