Mag-apply para sa CalFresh
-
Ano ang CalFresh?
-
Makipag-ugnay sa CalFresh
-
Mag-apply para sa CalFresh
-
Tingnan ang Pagiging Kwalipikado
-
Gamitin ang CalFresh
-
Panatilihin ang CalFresh
Mga hakbang upang makakuha ng CalFresh
-
1
Mga paraan para Mag-apply
- Online: Mag-apply sa BenefitsCal.
Tandaan: Sa bagong two-step verification process ng BenefitsCal, mas secure ang account mo. Kung paano mag-verify. - Tumawag sa amin sa (855) 355-5757 para sa tulong.
- I-download ang Aplikasyon (English) | Español | 中文 | русский | Filipino | Tiếng Việt)
Kung kayo ay isang may-edad na adulto o may kapansanan, maaari ninyong gamitin ang pinasimpleng aplikasyon (English) | Español | 中文 | русский | Filipino | Tiếng Việt. - Isumite ang iyong aplikasyon sa isa sa mga paraang ito:
- Fax: (415) 355-2300
- Koreo: SFHSA, PO Box 7988, San Francisco, CA 94120
- Service Center dropbox: Sa labas ng 1440 Harrison Street mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. o sa 1460 Mission Street kahit anong oras.
- Nang personal sa isa sa mga lokasyon ng aming Mga partner sa komunidad.
- Online: Mag-apply sa BenefitsCal.
-
2
Mga kinakailangan sa application
Ang tatlong minimum na kinakailangan upang simulan ang iyong aplikasyon ng CalFresh ay kinabibilangan ng:
- Pangalan ng aplikante
- Address (maliban kung nakakaranas ng pagiging walang tirahan ang aplikante)
- Lagda ng isang nasa hustong gulang na miyembro ng sambahayan
Bilang bahagi ng Proseso sa application, hihilingin din sa iyo na isama ang:
- Sinumang bumibili at naghahanda ng mga pagkain nang magkasama
- Lahat ng nakatira sa address, tulad ng mga batang wala pang 22taong gulang, asawa, at mga magulang
Tingnan ang aming page na Tingnan ang Pagiging Kwalipikado Mo para sa iba pang impormasyon, pati na ang mga requirement sa income.
Tingnan ang mga uri ng verification para sa kumpletong listahan ng mga kailangang dokumento na baka hingin sa iyo.
Paalala: Ang pagsusumite ng hindi kumpletong aplikasyon ay maaaring makapagpaantala sa proseso ng aplikasyon. -
3
Pagkatapos mong mag-apply
- Magpa-interview.
Puwedeng sa telepono o personal ang interview. - Tumanggap ng pag-apruba o pagtanggi sa iyong aplikasyon sa loob ng 30 araw sa pamamagitan ng koreo.
- Kailangan ng agarang tulong sa pagkain pagkatapos isumite ang iyong application?
Tumawag sa (855) 355-5757 para mag-request ng Pinabilis na Serbisyo sa loob ng tatlong araw kung nakakaranas ka ng kulang na income, resources, o napakataas na gastos sa tirahan.
- Kailangan ng agarang tulong sa pagkain pagkatapos isumite ang iyong application?
- Tanggapin ang iyong EBT card sa pamamagitan ng mail sa loob ng isang linggo kapag naaprubahan na ito.
Ang iyong card PIN ay posibleng dumating sa hiwalay na sobre. Ang pick-up ng card ay available para sa mga walang access sa stable na mail o telepono. - Hindi sang-ayon sa isang pagpapasya o halaga ng benepisyo? Makipag-ugnayan sa amin.
Puwede kang mag-submit ng appeal sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 952-5253, o pagpapadala nito sa Appeals Unit, P.O. Box 7988, San Francisco CA 94120.
- Magpa-interview.