Panatilihin ang CalFresh

Panatilihin ang CalFresh sa pamamagitan ng pagsusumite ng SAR 7 at CF 37 form

  • SAR 7 (Ulat ng Status ng Pagiging Kwalipikado): Kada anim na buwan, ang mga tumatanggap ng CalFresh ay dapat kumumpleto at magsumite ng SAR 7 Form para mag-ulat ng mga pagbabago sa kita, komposisyon ng sambahayan, at/o mga gastusin. Ipapadala namin sa iyo ang form bago ang takdang petsa. Puwede mo itong ipadala pabalik o puwede kang mag-log in sa BenefitsCal para isumite ito online. Para sa higit pang tagubilin tungkol sa SAR 7, panoorin ang video o tawagan kami sa (855) 355-5757.
  • Taunang recertification: Bawat taon, ang karamihan ng mga tumatanggap ng CalFresh ay dapat mag-renew ng pagiging kwalipikado nang nasa oras para patuloy na makakuha ng CalFresh nang walang pagkaantala. Papadalhan namin kayo ng recertification Form CF 37 bago ang takdang petsa ng pagsusumite. Ang iyong caseworker ay posibleng makipagpanayam sa iyo sa pamamagitan ng telepono at tumulong sa iyong kumpletuhin ang form. Puwede ka ring mag-log in sa BenefitsCal para mag-recertify online. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-renew, tumawag sa (855) 355-5757.
  • Panuntunan sa Trabaho ng CalFresh: Ang Panuntunan sa Trabaho ng CalFresh ay naka-waive hanggang Enero 31, 2026.  Hanggang sa panahong iyon, ang mga tumatanggap ng CalFresh ay HINDI kakailanganing magtrabaho para makatanggap ng mga benepisyo.   TANDAAN:  Tingnan ang mga pagbabago sa Panuntunan sa Trabaho simula sa Pebrero 2026.
  • Paglipat sa Ibang County (Inter-County Transfer, ICT): Kung lilipat ka sa ibang county sa California at gusto mong mapanatili ang iyong mga benepisyo sa CalFresh, puwedeng matulungan ka naming ilipat ang iyong kaso. Para sa mga detalye ng ICT, tumawag sa (855) 355-5757.
  • Transitional na Benepisyo sa Nutrisyon para sa Mga Sambahayang May SSI: . Ipapadala namin sa iyo ang susunod mong TNB Form 4 sa pagitan ng Nobyembre 2024 at Oktubre 2025, depende sa iyong buwan ng pag-renew. Tawagan kami para sa higit pang impormasyon sa (855) 355-5757.
  • Mga benepisyo para sa walang trabaho: Kung nakakatanggap ka ng mga benepisyo para sa walang trabaho, posibleng maging kwalipikado ka pa rin para sa CalFresh. Tawagan kami para sa mga detalye sa (855) 355-5757.

Mga pagbabago sa kita

  • Mga pagbaba ng kita: Kung ang iyong kita ay bumaba o huminto dahil sa kawalan ng trabaho o mas malalaking gastos, posibleng kwalipikado ka para sa higit pang benepisyo sa CalFresh. Tawagan kami para sa tulong sa (855) 355-5757.
  • Mga pagtaas ng kita::Kung ikaw ay may IRT at tumaas ang iyong kita, tawagan kami sa loob ng 10 araw para iulat ang pagbabago sa kita sa (855) 355-5757.

CalFresh Service Locations

Visit our Service Centers for help with your CalFresh benefits. 

DNahanap mo ba ang hinahanap mo?