Gumamit ng CalFresh

Saan magagamit ang mga CalFresh EBT card

  • Mga Grocery: Gamitin ang mapa ng locator para makahanap ng tindahan ng grocery na malapit sa iyo na tumatanggap ng mga EBT card.
  • Mga pagkain sa restaurant: Tingnan ang listahan ng mga kalahok na restaurant na tumatanggap ng mga EBT card. Tandaan: Ang ilang kalahok ay posibleng hindi tumanggap ng mga EBT card sa oras ng iyong pagbisita. Dapat ka munang makipag-ugnayan sa restawran bago pumunta roon.
  • Mga farmers' market: Mamili sa mga market na tumatanggap ng mga EBT card at nag-aalok ng Market Match.  Itinutugma  ng programang ito ang iyong mga binibiling pagkain depende sa kung gaano kalaki ang ginagastos mo.
  • EBT Online: Mag-order ng pagkain online mula sa Amazon, Walmart, at Safeway.
  • Libreng diaper: Para sa mga pamilyang may CalFresh, Medi-Cal, and CalWORKs na may mga anak na wala pang tatlong taong gulang.
  • Higit pang libre o may diskwentong deal: Para sa mga museo, utility, transportasyon, legal na payo, at higit pa.

🚨 Bagong babala para sa mga EBT cardholder

May lumalabas na isang third-party na app na tinatawag na Ebt edge – food stamps sa Apple App Store. Sinisingil nito ang mga usersng $4.99/linggo o $60 para sa habambuhay na access — pero hindi ito ang opisyal na app.  Hindi kailanman maniningil ang estado ng California sa mga EBT cardholder para sa paggamit ng opisyal na EBT app.

Gamitin lang ang opisyal na app:  FIS ebtEDGE — ito ay libre at suportado ng estado ng California.

Para manatiling ligtas:

  1. I-delete ang anumang hindi opisyal na EBT app.
  2. I-download ang opisyal na app: FIS ebtEDGE
  3. Huwag kailanman magbayad para ma-access ang iyong mga benepisyo ng EBT.

Masyadong mahalaga ang iyong mga benepisyo para malagay sa panganib. Pakibahagi ito sa iba pang gumagamit ng EBT.

CalFresh Service Locations

Visit our Service Centers for help with your CalFresh benefits. 

DNahanap mo ba ang hinahanap mo?