JobsNOW! para sa Mga Naghahanap ng Trabaho​​ 

Ang aming libreng programa ay tumutulong sa iyo na makahanap at magsanay para sa isang bagong trabaho.​​ 

Tutulong sa iyo ang JobsNOW! na mahanap ang tamang posisyon kung saan makakakuha ka ng praktikal na karanasan habang sumasahod.​​   

Matutulungan ka rin ng JobsNOW! na mag-stand out sa iba pang aplikante sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta para sa pag-explore ng career, paggawa ng resume, pag-apply ng trabaho, at pag-develop ng mga kasanayan mo para sa interview.​​ 

Kapag nakuha ka sa isang JobsNOW! opportunity, itutugma ka rin namin sa isang program liaison na susuporta sa pag-unlad mo.​​   

Pagiging kwalipikado sa JobsNOW!​​ 

  • Pinahihintulutan na magtrabaho sa Estados Unidos.​​ 
  • Kumuha ng Benepisyong Pampubliko sa pamamagitan ng SFHSA tulad ng CalWORKS, CalFresh, o Mga Programa ng Tulong ng nasa Hustong Gulang ng County (CAAP).​​ 

Nag-aalok kami ng dalawang programa sa ilalim ng JobsNOW!​​  

Public Service Trainee Program​​   

Nag-aalok ang Public Service Trainee (PST) Program ng pansamantalang bayad na training at praktikal na karanasan sa Lungsod at County ng San Francisco. Nag-aalok ang program na ito ng maraming iba't ibang posisyon, mula sa clerical, customer service, at gardening hanggang sa IT support, supplies, at mga custodial service. Anim na buwan ang program na ito, na may posibilidad na ma-extend ng tatlo hanggang anim na buwan. Ang mga posisyon na ito ay 9910 at 9916 na klasipikasyon ng trabaho sa Lungsod at County ng San Francisco.​​  

On-Site Training Program​​   

Nakakatulong ang aming On-Site Training Program (OST) na maitugma ang mga kliyente ng SFHSA sa mga pribado at non-profit na employer na nakatuon sa kanilang paglago at tagumpay. Kapag natanggap sila sa trabaho, tatanggap ang mga kliyente ng on-the-job training na batay sa curriculum habang nasa trabaho. Sinusuportahan ng OST program ang mga kliyente sa pagkakaroon ng karanasan sa trabaho at pagbuo ng mga kasanayang partikular sa trabaho para masuportahan ang kanilang paglipat sa mas pangmatagalang trabaho pagkatapos makumpleto ang anim na buwang program.​​   

Higit pang impormasyon​​ 

  • Tingnan ninyo ang flyer namin: Ingles | Espanyol | Tsino | Filipino | Biyetnam | Ruso​​ 
  • Mga paraan para mag-apply:  Makipag-usap sa iyong case worker o bisitahin ang isa sa aming mga Employment Information Center.​​ 

Mga Lokasyon ng Employment Information Center​​ 

Bisitahin ang aming mga Employment Information Center para makipag-ugnayan sa mga serbisyo para sa workforce.​​ 

Nahanap mo ba ang hinahanap mo?​​