Ano ang JobsNOW!
Ang JobsNOW! ay ang aming programa sa pagsasanay para sa trabaho kung saan itinutugma ang mga kliyente ng SFHSA sa mga lokal na employer at binibigyan sila ng kinakailangang suporta para makahanap ng makabuluhang trabaho. Nagbibigay kami ng tulong sa pag-explore ng career, paggawa ng mga resume, paghahanda para sa interview, at mga digital na kasanayan.
Sa pamamagitan ng JobsNOW!, ang aming mga kliyente ay pwedeng:
- Kumita ng pera habang natututo sila sa pamamagitan ng on-the-job training
- Magkaroon ng mga kasanayang partikular sa trabaho at pwedeng magamit kapag lumipat ng ibang trabaho
- Kilalanin ang mga propesyonal at kasamahan na makakatulong sa iyo na lumago
Kasama sa mga iniaalok ng JobsNOW! ang:
- Public Service Trainee (PST) Program: Nag-aalok ng pansamantalang bayad na training at praktikal na karanasan sa Lungsod ng San Francisco
- On-Site Training Program: Nag-aalok ng bayad na training at praktikal na karanasan sa mga pribado at non-profit na employer sa iba't ibang industriya, na pwedeng magbukas ng opportunity para sa mas pangmatagalang trabaho.
Para maging kwalipikado, dapat kang:
- Pinahihintulutan na magtrabaho sa Estados Unidos.
- Kumuha ng mga benepisyong pampubliko sa pamamagitan ng SFHSA gaya ng CalWORKs, CalFresh, o County Adult Assistance Programs (CAAP).
Para Matuto Pa:
- Kausapin case worker mo.
- Bisitahin ang aming mga Employment Information Center: Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa 1460 Mission Street, 170 Otis Street, o 3120 Mission Street.
- Tawag: (877) 562-1669