Ang Iyong Mga Karapatang Sibil, Apela, at Pagdinig

Humiling ng pagdinig at magsumite ng reklamo

Humiling ng pagdinig ng estado:

Kung isa kang kliyente ng mga benepisyong pinopondohan ng estado at pederal, gaya ng CalWORKs, CalFresh, Medi-Cal, at Mga Pansuportang Serbisyo sa Bahay (In-Home Supportive Services, IHSS): 

  • Tumawag sa (800) 952-5253.
  • O ipadala ang mga nakasulat na kahilingan sa Human Services Agency Appeals Unit at S600, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120-7988.

Humiling ng pagdinig sa County Adult Assistance Program (CAAP):

  • Tumawag sa (415) 558-1177  (24 na oras). 
  • O, magpadala ng mga kahilingan sa koreo sa CAAP Fair Hearings #WS20, PO Box 7988, San Francisco, CA 94120.  

Sa mga regulasyon ng Dibisyon 21 ng Mga Karapatang Sibil, tinitiyak na ang pangangasiwa ng mga programa sa pampublikong tulong at mga serbisyong panlipunan ay hindi nandidiskrimina, walang sinumang tao, batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kaanib sa pulitika, relihiyon, status sa pag-aasawa, kasarian, edad, o kapansanan (para sa kumpletong listahan ng mga pinoprotektahang uri, tingnan ang form GEN 1179 sa ibaba) ang dapat ibukod mula sa pakikilahok sa, o hindi bigyan ng mga benepisyo ng, o madiskrimina sa anumang programa o aktibidad na nakakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa pederal o estado.

May karapatan ang mga aplikante at recipient sa: 

  • Patas na pakikitungo sa pagtanggap ng mga serbisyo mula sa SFHSA, at 
  • Mga libreng serbisyo ng interpreter kung nahihirapan silang magsalita, magbasa, o umunawa ng English. 
  • Makatanggap ng accommodation, kung mayroon silang kapansanan, para makatulong sa pag-apply para sa at makatanggap ng tulong, mga benepisyo, o serbisyo (PUB 86).

Paano Magsumite ng Reklamo sa Karapatang Sibil Kung Ikaw ay isang Kliyente ng SFHSA

Karagdagang impormasyon

DNahanap mo ba ang hinahanap mo?