Ang CalWORKs ay nagbibigay ng pansamantalang pinansyal na suporta, pati na rin pagsasanay sa trabaho, edukasyon, pangangalaga ng bata, at pagpapayo, sa mga nagbubuntis na babae at kwalipikadong pamilyang may mga batang wala pang 19 na taong gulang.
Ginagamit ng mga indibidwal at pamilyang may mababang kita ang CalFresh para bumili ng pagkain sa maraming retail food outlet, grocery store, at farmers market.