Suriin ang Pagiging Kwalipikado sa CAAP​​ ​

Ang pagiging kwalipikado para sa CAAP ay nakabatay sa paninirahan, kita, at mga gastos. Posibleng kwalipikado kang makatanggap ng mga benepisyo sa CAAP habang nagtatrabaho o dumadalo sa mga bokasyonal na pagsasanay o klase para sa GED, ESL, o diploma sa mataas na paaralan.​​ ​

Upang mag-aplay para sa CAAP, dapat kang magkaroon ng:​​ ​ 

  • Residency sa San Francisco​​ ​
  • Netong kita na mas mababa sa $727 bawat buwan​​ ​
  • Limit sa personal na pag-aari na $2,000 kada single na adult o $3,000 kada mag-asawa​​ ​
  • Nagmamay-ari ng sasakyan na limitado lang sa isang sasakyan​​ ​
  • Status bilang estudyante na limitado sa high school/GED, associate degree program (dalawang taong college) o vocational school​​ ​
  • Mga benepisyo ng CalFresh at Medi-Cal – kung hindi, ang iyong aplikasyon para sa dalawang programa ay awtomatikong isasama sa iyong online na aplikasyon sa CAAP​​ ​

Alamin pa​​ ​

Mga Lokasyon ng Serbisyo ng CAAP​​ ​

Bisitahin ang aming Mga Service Center para sa tulong sa iyong mga benepisyo sa CAAP.​​ ​ 

Nahanap mo ba ang hinahanap mo?​​ ​