Panatilihin ang CAAP
Para patuloy na makuha ang iyong mga benepisyo sa CAAP nang walang pagkaantala, pakisunod ang mga rekomendasyon sa ibaba.
Iulat ang mga pagbabago sa pananalapi at sambahayan
Tumawag sa (833) 879-1365 o mag-email sa CAAPClerical@sfgov.org sa loob ng limang araw ng negosyo para iulat ang alinman sa mga sumusunod:
- Pagbabago sa address ng tahanan o mailing address
- Sinumang dumaragdag o umaalis sa sambahayan
- Pagpapaospital/pagiging institutionalized/pagkakabilanggo
- Pagsisimula ng pag-aaral/pagsasanay at anumang pagbabago sa aking status bilang estudyante
- Pagsisimula o pagkawala ng anumang trabaho
- Pagtanggap ng anumang kita o ari-arian
- Pagtanggap ng hindi nakuhang kita mula sa kawalan ng trabaho, mga benepisyo para sa may kapansanan gamit ang EDD o SSA, pagreretiro sa SSA, SSI, Administrasyon ng Mga Beterano, Pagreretiro sa Railroad, o Kompensasyon ng Mga Manggagawa
Kumpletuhin ang proseso sa pag-renew
Kada anim na buwan, makikipag-ugnayan kami sa iyo para tukuyin ang iyong kasalukuyang pagiging kwalipikado para sa CAAP. Tiyaking mayroon kami ng iyong pinakabagong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagtawag sa (833) 879-1365.
- Liham para sa appointment: Papadalhan ka namin, sa pamamagitan ng koreo, ng liham para sa appointment na may petsa, oras, at uri ng appointment sa pag-renew.
- Appointment sa telepono: May carrying worker na tatawag sa iyo para magsagawa ng panayam sa telepono. Kung walang numero ng telepono sa file, pakitawagan ang CAAP sa (833) 879-1365 o gumamit ng telepono ng lobby para sa iyong nakaiskedyul na appointment sa 1235 Mission Street.
- Pagkatapos ng panayam: Papadalhan ka namin ng renewal packet na dapat kumpletuhin gamit ang mga kinakailangang pag-verify. Sa pagsusumite ng mga kumpirmasyon, palaging isama ang iyong buong pangalan at numero ng kaso. Isumite ang iyong mga dokumento sa isa sa mga paraang ito:
- Email: CAAPClerical@sfgov.org
- Fax: (415) 558-4104
- Mail: Human Services Agency, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94103
- Drop off: Service counter ng CAAP, 1235 Mission Street kapag oras ng negosyo.
Anunsyo
Inisyastiba sa Landas Tungo sa Paggamot
Simula sa Enero 1, 2025, ang mga kliyente ng CAAP na may disorder sa paggamit ng droga at pag-inom ng alak na gustong makatanggap ng tulong na pera na pinopondohan ng county ay nakatala dapat sa paggamot at mga serbisyo. Tingnan ang mga detalye: English | Español | 中文 | Filipino | Tiếng Việt | Русский