Na-update noong Abril 14, 2025 Public Charge

Sasagutin ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) ang Iyong mga Tanong

Ang public charge ay isang terminong ginagamit ng mga awtoridad sa immigration sa pagtukoy kung ang isa bang hindi mamamayan na nag-a-apply na makapasok ng U.S. o makakuha ng legal na permanenteng paninirahan (Green Card) ay may malaking posibilidad na pangunahing dumepende sa mga benepisyo ng pamahalaan para sa suporta.  

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, maraming uri ng mga pampublikong benepisyo ang walang pagsusuri para sa public charge gaya ng paggamit ng Medi-Cal (na bukod pa sa pangmatalagang institusyonal na pangangalaga), CalFresh, ang Espesyal na Programa ng Karagdagang Nutrisyon para sa Mga Babae, Sanggol, at Bata (Women, Infants, and Children, WIC), mga meal sa paaralan, at suporta sa pabahay.  

Mag-apply para sa mga benepisyo

Hinihikayat ka naming kunin ang mga pansuportang benepisyo na kailangan mo at ng iyong pamilya. Mag-apply para sa mga benepisyo online gamit ang BenefitsCal o sa pamamagitan ng telepono sa(415) 558-4700. 

Alamin ang iyong mga karapatan. Alamin ang mga detalye

 Magkakaiba ang bawat sitwasyon. Para sa mga tanong tungkol sa public charge at iyong mga benepisyo: 

  • Tingnan ang Gabay sa Public Charge(Setyembre 2022) ng California, na available sa maraming wika.  
  • Tumawag sa Linya para sa Libreng Payo ng Bay Area Legal Aid sa (800) 551-5554 
  • Tingnan ang aming Mga Madalas Itanong sa ibaba. 

 Para sa pambuong-lungsod na serbisyo at impormasyon para sa immigrant, kasama ang legal na tulong, bisitahin ang page na Mga Serbisyo sa Immigrant ng Lungsod.  

Mga Madalas Itanong Tungkol sa Public Charge

Ang public charge ay isang legal na terminong naglalarawan sa isang hindi mamamayan na pangunahing umaasa sa mga benepisyo ng pamahalaan para sa suporta. Ang mga benepisyong ito ay may mga kasamang programa para sa tulong na pera at pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga na binabayaran ng Medi-Cal (tingnan ang tanong #9). 

Ginagamit ng mga opisyal sa immigration ng pederal ang pagsusuri para sa public charge para mapagpasyahan kung sino ang papayagan nilang makapasok ng U.S.  o makakuha ng status bilang legal na permanenteng residente (Green Card). Nalalapat din ito sa mga may-ari ng Green Card na umaalis sa bansa nang anim na buwan at naglalayong pumasok ulit.  

Ang public charge ay hindi nalalapat sa iba pang aplikasyon para sa immigration, gaya ng mga aplikasyon para maging naturalized na mamamayan ng U.S.. 

Kung matutukoy na public charge ang isang hindi mamamayan, puwedeng tanggihan ng mga awtoridad ng immigration ang kanyang visa o aplikasyon para sa Green Card.   

Hindi.Noong 2019, pansamantalang pinalawak ng pamahalaan ng pederal ang listahan ng mga programa para sa pampublikong benepisyo na puwedeng isaalang-alang sa ilalim ng pagsusuri sa public charge.Gayunpaman, noong 2022, binago ang panuntunan sa public charge para limitahan ang mga programa para sa benepisyo sa publiko at ang iba pang pamantayang puwedeng isaalang-alang sa pagsusuri. Ibig sabihin, ang karamihan sa aming mga programa ay hindi isinasaalang-alang sa pagsusuri para sa public charge sa kasalukuyan.  

Hindi. Walang nagbago sa mga panuntunan sa mga programa para sa pampublikong tulong ng California, pati para sa mga sanggol na isinisilang sa U.S. sa mga hindi nakadokumentong magulangt. Hinihikayat ka naming mag-apply at i-access ang mga benepisyong karapatan mong makuha. Ang SFHSA ay magbibigay ng mga update sa aming mga kliyente at partner sa komunidad tungkol sa anumang pagbabago na puwedeng makaapekto sa kanila.   

Sa iilang legal na status sa immigration lang, at sa mga partikular na punto lang sa pathway ng immigration nalalapat ang public charge. Sa pangkalahatan, inilalapat ang pampublikong charge sa tuwing may taong: 

  • Nag-a-apply para pumasok sa U.S.,  
  • Nag-a-apply para i-adjust ang kanyang status sa immigration para makakuha ng Green Card 
  • May Green Card at papasok ulit sa bansa pagkatapos lumabas ng U.S. nang mahigit sa anim na magkakasunod na buwan. 

5 Hindi. Kung may green card ka sa kasalukuyan at kailangan mo itong i-renew, hindi ilalapat ang pagsusuri sa public charge.

Hindi. Hindi naaapektuhan ng panuntunan sa public charge ang karamihan ng mga immigrant na nakakatanggap ng mga pampublikong benepisyo at serbisyo. Hindi nalalapat ang public charge sa mga refugee, asylum seeker, at iba pang kategorya ng humanitarian na immigrant.  

Hindi. Hindi nalalapat ang panuntunan sa public charge sa mga aplikasyon para sa pagkamamamayan. 

Hindi. Hindi kailanman nailalapat ang panuntunan sa public charge sa mga mamamayan, pati sa mga batang isinilang sa U.S., sa mga immigrant na magulang. 

Kung papasok ka sa U.S. o mag-a-apply ka para sa Green Card, ang  mga programa lang para sa pampublikong tulong na isasaalang-alang sa ilalim ng pagsusuri para sa public charge ay:   

  • Mga programa para sa tulong na pera, gaya ng CalWORKs, Mga Programa ng Tulong sa Nasa Hustong Gulang ng County (County Adult Assistance Programs, CAAP), at SSI 
  • Institusyonal na pangmatagalang pangangalaga na binabayaran ng pamahalaan, gaya ng Medi-Cal  

Maraming iba pang pampublikong benepisyo ang hindi isinasaalang-alang sa pagsusuri para sa public charge.  

  Hindi. 

  Hindi. Ang mga benepisyo sa pagkain gaya ng CalFresh (mga food stamp) ay hindi kasalukuyang isinasaalang-alang sa pagsusuri para sa public charge.  

Hindi. Hindi nagiging public charge ang isang indibidwal sa paggamit ng Medi-Cal, maliban na lang kung titira ka sa isang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga at Medi-Cal ang nagbabayad nito. 

Hindi. Hindi ka magiging public charge sa mga benepisyo mula sa pamahalaan na natatanggap ng iyong mga anak at kapamilya.  

Hindi. Ang California ay hindi nag-aatas sa mga sponsor o anak ng mga tumatanggap ng benepisyo na bayaran ang mga nasabing benepisyo o magbayad ng buwis sa mga benepisyong iyon.

Hindi. 

Para lang sa mga layunin sa pagiging kwalipikado ginagamit ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco ang iyong impormasyon. Posibleng kailanganin naming kumpirmahin sa pederal na pamahalaan ang impormasyong ibibigay mo sa isang aplikasyon para sa pampublikong benepisyo, pero para lang masigurong kwalipikado kang makatanggap ng mga serbisyo.  

Bagama't hindi kami puwedeng magbigay ng legal na gabay, ang mga libreng nonprofit na abugado para sa immigration na partner namin ay puwedeng mag-alok ng libreng legal na tulong sa mga benepisyo sa publiko at immigration. 

Para sa mga tanong tungkol sa mga pampublikong benepisyo at public charge, tumawag sa Linya para sa Legal na Payo ng Bay Area Legal Aid sa (800) 551-5554.

  • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga benepisyo sa publiko na available batay sa status sa immigration at kinakailangang impormasyon, bisitahin ang aming page na Mga Pampublikong Benepisyo para sa Mga Immigrant. Available ang suporta sa maraming wika.  
  • Para sa mga pambuong-lungsod na serbisyo para sa mga immigrant, kasama ang legal na tulong, mga serbisyo sa trabaho, at pabahay at matitirhan, bisitahin ang page na Mga Serbisyo at Resource para sa Immigrantng Lungsod. 
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?