Ang Mga Intergenerational na Programa sa Lungsod ay nagbibigay sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan ng pagkakataong makipag-ugnayan sa kabataan at makilala bilang mga pinapahalagahang miyembro ng komunidad. Hinihikayat ng mga programa ang parehong henerasyon na magbahagi ng mga talento at resource na makakatulong sa isa't isa sa pamamagitan ng musika, sining, pagluluto, pagsasanay sa teknolohiya, at iba pang uri ng mga aktibidad.

Anim na organisasyon sa komunidad ang nag-aalok ng Mga Intergenerational na Programa nang may suporta mula sa Departamento ng Mga Serbisyo sa May Kapansanan at Pagtanda (Disability and Aging Services, DAS) ng San Francisco.   

Sino ang puwedeng sumali

Puwede kang sumali sa isang Intergeneration na Programa kung ikaw ay isang residente ng San Francisco, may edad na 60 pataas, o isang nasa hustong gulang na may kapansanan na may edad na 18 hanggang 59.

Makipag-ugnayan sa Mga Intergenerational na Programa tungkol sa mga kanilang mga aktibidad

  • Bayview Hunters Point Multipurpose Senior Services (BHPMSS), Dr. George W. Davis Senior Center
    Nag-aalok ng pagpipinta, pagsusulat, pagsasayaw, pagsasalaysay, at mga mosaic para sa 10 talampakang monumento sa Bayview.  Tumawag sa (415) 508-0847. 
     
  • Mission Neighborhood Centers – Mission District
    Ipinagdiriwang ang kultura ng Latino/x sa pamamagitan ng klase sa musika para sa mga batang nasa preschool at kanilang mga magulang, klase sa pagluluto para sa kabataan, at suporta sa pamilya sa tulong ng mga propesyonal na facilitator. Tumawag sa (415) 206-7752.
     
  • Kimochi – Japantown
    Ipinagdiriwang ang kultura ng Japan, palitan ng kuwento, pre-school na pagbisita at tulong, at pagsasanay sa teknolohiya para sa mga nasa hustong gulang sa tulong ng mga mag-aaral sa high school at kolehiyo. Tumawag sa (415) 931-2294.
     
  • Sequoia Living (dating Northern California Presbyterian Homes and Services) – Japantown
    Nag-aalok ng mga on-site at virtual na klase para sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan na nasa abot-kayang pabahay. May kasamang pagsasanay sa teknolohiya sa tulong ng mga mag-aaral at English as a Second Language (ESL). Tumawag sa (415) 202-7800.
     
  • Lighthouse for the Blind and Visional Impaired – May mga lokasyon sa buong lungsod
    Iniaalok ang Sensing the Seasons, na isang virtual na batay sa kalikasan na serye ng edukasyon. Tumawag sa (415) 431-1481.
     
  • Openhouse – May mga lokasyon sa buong lungsod
    Nag-aalok ng mga intergenerational na aktibidad para sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan sa komunidad ng LGBTQ.  Tumawag sa: (415) 296-8995.
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?

 

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value