Mga Serbisyo para sa may Kapansanan + para sa Pagtanda Programang Pantulong para sa mga Tagapangalaga sa Pamilya
Kailangan mo ba ng mga mapagkukunan at suporta upang makatulong na pangalagaan ang isang miyembro ng pamilya o kaibigan? Tinutulungan ng Programang Suporta ng Tagapag-alaga ng Pamilya ang mga walang bayad na tagapag-alaga ng mga nakatatandang matatanda o sa mga may kapansanan sa pag-iisip. Matutulungan ka naming malaman tungkol sa kung paano alagaan ang iyong sarili pati na rin ang iyong minamahal.
Sino ang karapat-dapat?
- Mga walang bayad na tagapag-alaga na nakatira sa San Francisco,
- 18 taong gulang o mas matanda
- Miyembro ng pamilya o kaibigan ng tatanggap ng pangangalaga na 60+ taong gulang o wala pang 60 taong gulang na may kapansanan sa pag-iisip
Mga serbisyong inaalok
- Pagsasangguni sa mga magagmit na serbisyo at tulong para makamit ang mga ito, kabilang na ang pagtatasa, pamamahala ng kaso, at transportasyon
- Isahang pagpapayo, ligal na serbisyo at pagsasanay para sa mga tagapag-alaga upang matulungan sila sa mga pagpapasya at paglutas ng mga suliranin kaugnay ng kanilang tungkulin bilang tagapangalaga.
- Pansamantalang pangangalaga para mabigyan ng pahinga sa pag-aalaga ang mga tagapag-alaga
- Ang mga limitadong serbisyong pandagdag, upang mapunan ang pangangalaga na ibinigay ng mga tagapag-alaga
- May mga klase at workshop na inaalok sa buong taon sa wikang Ingles at Kastila, kabilang ang ligal na konsultasyon.