Ino-offer ng Public Service Trainee (PST) Program ang pansamantala at bayad na training at hands-on experience na tumutulong para maihanda ka sa full-time na trabaho sa pamamagitan ng aming JobsNOW! program o ng Lunsod ng San Francisco.​​ 

Nag-o-offer ang Program na ito ng maraming iba't ibang posisyon, mula sa clerical, customer service, at gardening hanggang sa IT support, supplies, at mga custodial service. Magtanong sa amin tungkol sa mga oportunidad sa PST sa San Francisco Human Services Agency at sa karamihan ng iba pang City department.​​  
 

Sulit maging PST​​ 

Tinutulungan ka naming ma-develop ang mga job skill mo para ma-improve ang interview, paggawa ng resume, at paghahanap ng trabaho at counseling. Ima-match ka rin namin sa isang Program Liaison na magmo-monitor sa progress mo sa anim na buwang program na ito, na puwedeng ma-extend nang tatlo hanggang anim na buwan.​​ 

Kabilang sa mga benepisyo ang:​​ 

  • $25.88 bawat oras para sa isang 32-oras na linggo ng trabaho​​ 
  • Mga benepisyong Medical at Dental​​ 
  • Iba't ibang iskedyul ng trabaho depende sa assignment​​ 
  • Mga uniporme at bota (kung kinakailangan)​​ 

Mga kinakailangan sa PST​​ 

  • Maging isang residente ng San Francisco na awtorisadong magtrabaho sa Estados Unidos.​​ 
  • Tumanggap ng CalWORKs, CAAP, CalFresh, o maging kasalukuyan o datihang foster youth​​ 

Mag-apply ngayon​​  

Bahagi ng JobsNOW! Program ang PST Program. Puwede kang mag-apply gamit ang isa sa mga paraang ito:​​   

Nahanap mo ba ang hinahanap mo?​​