Mag-file ng Reklamo sa ADA

Bakit dapat mag-file ng reklamo sa ADA?

Sa ilalim ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (Americans with Disabilities Act, ADA), may karapatan kang magkaroon ng patas na access sa mga pasilidad, programa, at serbisyong pag-aari ng Lungsod. Kung nagkakaproblema ka sa pag-access, ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo. 

Mga hakbang para mag-file ng Reklamo sa ADA

  1. 1

    Isumite ang iyong reklamo

    Sagutan ang lahat ng puwede mong sagutan sa online na form. Tiyaking isasama mo ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan para ma-follow up ka namin.
    English | Español | 中文 | Filipino


    Kung mayroon kang kapansanan, puwede mong isumite ang iyong reklamo gamit ang isa sa mga paraang ito:

    • Tumawag sa: (415) 554-6789
    • Mag-email sa: oda@sf.gov.org
    • Isumite ito sa: 1455 Market Street, Floor 13B, San Francisco 

    Sa pagsusumite ng reklamo sa pamamagitan ng pagtawag o pagsulat, tiyaking isasama mo ang sumusunod na impormasyon: 

    • Ang iyong pangalan
    • Ang iyong address
    • Ang numero ng iyong telepono
    • Ang lokasyon ng insidente
    • Petsa at oras ng insidente
    • Paglalarawan ng nangyari
  2. 2

    Makatanggap ng sagot

    Pagkatapos magsagawa ng nauugnay na departamento ng imbestigasyon, papadalhan ka ng ODA ng nakasulat na sagot sa loob ng 30 araw pagkatapos mong ihain ang iyong reklamo.  

  3. 3

    Humiling ng muling pagsasaalang-alang

    Hindi nasiyahan sa sagot ng Lungsod? 

    1. Magpadala ng kahilingan para sa muling pagsasaalang-alang sa pamamagitan ng pagsulat sa ODA sa loob ng 10 araw ng negosyo mula sa araw ng pagsagot ng Lungsod sa iyong reklamo. Puwede mong i-email ang iyong kahilingan sa ODA@sf.gov.org. Puwede mo rin itong ipadala sa pamamagitan ng koreo o ihatid sa 1455 Market Street, Floor 13B, San Francisco.
    2. Sasagutin ng ODA ang iyong kahilingan para sa muling pagsasaalang-alang sa loob ng 30 araw ng negosyo pagkatapos itong matanggap.
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?