Medi-Cal Suriin ang pagiging karapat dapat sa Medi-Cal

Ang pagiging kwalipikado sa Medi-Cal ay batay lang sa kita. Para sa ilang aplikante, isinasaalang-alang ang pag-aari ng property. Kapag nag-apply ka, tutulungan ka ng HSA na tukuyin kung kwalipikado ka sa Medi-Cal o iba pang abot-kayang opsyon sa pangangalagang pangkalusugan.

Sino ang kwalipikado

  • Mga Californian na may mababang kita, kasama ang mga nasa hustong gulang, bata at kanilang mga pamilya, taong may kapansanan, batang nasa foster care, teenager na dating nasa foster care na may edad na hanggang 26 na taon, at buntis na indibidwal.

  • Makakatanggap ang mga kwalipikadong immigrant ng Medi-Cal na may kumpletong saklaw o pinaghihigpitang Medi-Cal batay sa status sa immigration
    • Kumpletong saklaw para sa  mga nakababatang hustong gulang: Ang mga kwalipikadong nakababatang nasa hustong gulang na wala pang 26 na taong gulang ay puwedeng makatanggap ng Medi-Cal na may kumpletong saklaw, anuman ang kanilang status sa immigration. 
    • Kumpletong saklaw para sa mga nakatatandang nasa hustong gulang: Ang mga kwalipikadong indibidwal sa California na may edad na 50 taon pataas ay puwedeng makatanggap ng Medi-Cal na may kumpletong saklaw, anuman ang kanilang status sa immigration. .  

  • Tingnan ang Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQs) tungkol sa Medi-Cal

Walang insurance o may Medi-Cal pero walang regular na doktor? Tumawag sa linya ng Medi-Nurse nang 24 na oras sa isang araw. Makakakuha ka ng payo sa COVID-19 at mga referral para sa libreng pagsusuri at paggamot, anuman ang iyong kita at status sa immigration.  

Tutulungan ka naming alamin kung kwalipikado ka para sa saklaw sa pangangalagang pangkalusugan

Hindi alam kung kwalipikado ka para sa Medi-Cal? Kahit hindi, hinihikayat ka naming mag-apply pa rin. Susuriin ka namin para sa iba pang abot-kayang opsyon sa pangangalagang pangkalusugan:

  • Covered California: Tumutulong sa mga kwalipikadong aplikante na makakuha ng may diskwentong insurance sa kalusugan mula sa mga sikat na kumpanya  
  • County Children’s Health Initiative Program (CCHIP): Nagbibigay ng abot-kaya at komprehensibong insurance sa kalusugan, ngipin, at paningin para sa mga batang may edad na hanggang 18 taon na hindi kwalipikado para sa iba pang programa sa insurance na pinopondohan ng publiko.
  • Medi-Cal Access Program (MCAP): Nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga buntis na may katamtamang kita at walang insurance.

Hindi kwalipikado para sa insurance?

Puwede ka pa ring makatanggap ng pangunahing abot-kayang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng Healthy San Francisco. Nagseserbisyo ang programang ito sa mga residenteng walang insurance, anuman ang kanilang status sa immigration, status sa pagtatrabaho, o mga dati nang medikal na kundisyon. Matuto pa tungkol sa pag-apply sa healthysf.org.

DNahanap mo ba ang hinahanap mo?