• Maaaring mangyari ang mga emerhensiya anumang oras. Maghanda bago pa ito mangyari. Ang pagpaplano nang maaga ay makakatulong upang mapanatiling ligtas kayo at ang inyong mga mahal sa buhay.​​ ​ 

  • Mag-sign up para sa AlertSF upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga natural na sakuna, malalaking emerhensiya na may kinalaman sa pulisya, bumbero, o kalusugan, at malalaking pagkaantala sa transportasyon sa inyong mobile phone. Upang mag-sign up, i-text ang inyong ZIP code sa 888-777.​​ ​ 

  • Maging handa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kagamitan, suplay, at kaalaman upang maalagaan ang inyong sarili sa panahon ng sakuna. Alamin kung paano makikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay o tagapag-alaga na maaaring tumulong sa inyo sa oras ng emerhensiya.​​ ​ 

  • Para sa mga gumagamit ng mga kagamitang pang-mobility, tiyaking may nakahanda at naka-charge na mga ekstrang baterya. Sa maraming pagkakataon, maaaring magreseta ang inyong pangunahing doktor ng mga ekstrang baterya.​​ ​ 

  • Para sa mga bingi o may kapansanan sa pandinig, tiyaking may nakahandang suplay para sa hearing aid at mga kagamitan sa komunikasyon.​​ ​ 

  • Maghanda ng suplay ng mga inireresetang gamot at pang-araw-araw na gamot na sapat para sa pito hanggang labing-apat na araw, kasama ang mga kopya ng inyong mga reseta.​​ ​ 

  • Kung kayo ay umaasa sa kuryente para sa ilang medikal na pangangailangan o kagamitan, magparehistro bilang Medical Baseline Customer ng PG&E. Sa panahon ng emerhensiya, nakikipag-ugnayan ang PG&E sa mga Medical Baseline Customer upang mapanatili silang may sapat na impormasyon at mga update.​​ ​ 

Quý vị có tìm thấy kết quả mình đang tìm kiếm không?​​ ​