Mga Serbisyo ng Ahensiya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) Mag-apply para sa CalWORKs

  1. 1

    Isumite ang iyong application sa isa sa mga paraang ito:

    May mga tanong?  Makipag-ugnayan sa iyong Tagapamahala ng Kaso. Para malaman kung sino ang iyong Tagapamahala ng Kaso, tumawag sa (415) 557-5100.

  2. 2

    Iiskedyul at kumpletuhin ang iyong appointment sa CalWORKs

    Sa personal sa 170 Otis Street o sa pamamagitan ng telepono (415) 557-5100.

  3. 3

    Sumali sa isang Session ng Impormasyon ng CalWORKs

    Sa personal sa 170 Otis Street, sa pamamagitan ng telepono (415) 557-5100, o online (sa pamamagitan ng paghiling)

  4. 4

    Isumite ang iyong papeles bago ang takdang petsa

    Para sa tulong sa hakbang na ito, tumawag sa (415) 557-5100.

  5. 5

    Pagkatapos mong mag-apply

    Posibleng umabot nang hanggang 45 araw para matukoy ang iyong pagiging kwalipikado sa CalWORKs. Sa panahong ito:

    • Tingnan ang iyong mail at mga mensahe sa telepono kung may mga abiso mula sa CalWORKs, CalFresh (tulong sa pagkain), at Medi-Cal (mga serbisyo sa kalusugan).
    • Kapag natukoy na ang iyong pagiging kwalipikado, makakakuha ka ng abiso sa pag-apruba o pagtanggi.
    • Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon o halaga ng benepisyo, puwede kang maghain ng apela sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 952-5253, o sa pamamagitan ng pag-mail sa HSA Appeals Unit sa S600, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120-7988.

Higit pang impormasyon

  • Tingnan ang flyer ng mga hakbang sa itaas: English | Español | 中文 | Filipino | Tiếng Việt | Русский
  • Tulong sa pagsasalin para makatulong na kumpletuhin ang iyong application:  Tumawag sa (415) 557-5100.
  • Pang-emergency na tulong:  Ipaalam sa amin kung ang iyong pamilya ay may mga agarang pangangailangan sa pera, pabahay, pagkain, upa, o mga bill sa utility, pananamit, o pangangalagang pangkalusugan.  Posibleng kwalipikado ka para sa pang-emergency na tulong. 
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?